+edited.jpg)
November ang pinaka paborito kong buwan. Kung bakit, syempre dahil sa Halloween! Weeh! Haha. Hindi, kasi month ng birthday ni Ate Vi (Vilma Santos). Fan kasi ako ng Vi and Bot. Haha. Hindi. Pero may koneksyon din kay ate Vi kung bakit ako masaya pag Novemeber. Dahil... dahil month ng birthday ko at magka birthday kami ni ate vi. Haha! Yun yon eh! :)
1 (Wednesday) All Souls Day
- Dahil maulan ng panahong ito, ayun at nagkasakit ako. Sobrang sinisipon ako habang nasa sementeryo kami.
3 (Friday) Birthday
- Yay! 20 na ako. Bakit ganun ang bilis ng panahon. Haha! Pinuntahan ako ng aking bestfriend na si Tin kahit wala naman akong handa (thanks tin!). Tapos dinner ng family sa labas nung gabi. Yun lang. Oh well, salamat sa lahat ng taong nakaalala, sa lahat ng bumati, thanks! :)
5 (Sunday) Bonding with some highschool friends
- Mejo planadong biglaan ang pagkikitang ito kaya ayun, konti lang kami. Tulad ng dati, walang humpay na kulitan at kwentuhan ang nangyari.
18 (Saturday) Lola Celing died (age: 82)
- Isang nakakalungkot na pangyayari sa aming pamilya. Iniwan na kami ng lola ko na nanay ni Archie (tatay ko). Prior to that, halos isang linggo narin sya naka confine sa ospital. Death is inevitable. *sniff*
21 (Tuesday) 2 years of Church Service
- Wala namang nangyari natutuwa lang ako dahil halos dalawang taon na pala ako sa church. :)
22-23 (Wednesday & Thursday) Studnet Advertising Congress
- Student Ad sa Aliw Theatre. Hmmm, okie naman. Okie lang. Sorry kasi mejo hindi ko feel ang advertising pero marami naman akong natutunan sa Ad Congress.
24 (Friday) Kubrador Screening at Fluer de Lis Auditorium SPUM
- At sa wakas,napanuod ko narin ang indie film na ito na humahakot ng mga awards sa ibang bansa. Okie naman. May lalim ang kwento. Mejo nahilo lang ako sa mga camera shots.
25 (Saturday) Libing ng Lola ko
- Malungkot.
- Pero dito ko din matagal nakasama ang mga pamangkin ko. Grabe, ang kukulit na ng tatlong pamangkin ko sa mga first cousins ko. Aliw na aliw ako sa kanila pati narin sa mga batang pinsan ko. Ang sarap maging bata uli. Parang gusto ko itry na magturo ng pre school. Haha. Anu nga kaya no?
27 (Monday) Birthday ni Kuya Aian
- 21 na ang aking super brother! :) As always, nagsimba muna kami sa Our Lady of the Miraculous Medal Shrine sa Sucat. Tapos bonding time sa MOA, family. :)
Okie yun lang. Yun nalang ang ilan sa natatandaan kong nangyari nung November eh. Haha! :)
Salamat sa time. God Bless. :)